SENIOR CITIZEN AT PWD RIGHTS
SEGURIDAD
TRABAHO
TULONG PANGMAHIRAP
KAPAYAPAAN
EKONOMIYA
EDUKASYON
KATARUNGAN
Katulad mo si Macaromy Macalintal! Naniniwala ka sa pagsusulong sa karapatan ng mga senior citizen at PWDs. Gaya ni Macaromy, naniniwala kang dapat mas patas at mapagkalinga ang lipunan sa ating mga nakatatanda at sa mga may kapansanan.
Pagtulungan nating isulong ang kalinga sa mga senior citizen at may kapansanan. Ipanalo si Macalintal!
Kilalanin si Macaromy, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/macalintal.php
Katulad mo si Gary Alejano! Pinapahalagahan mo ang ating soberanya at kalayaan. Naniniwala ka sa halaga ng maayos na depensa ng ating mga teritoryo, at sa pagsigurong ligtas at protektado ang ating bayan at lahat ng mga mamamayan nito.
Pagtulungan nating isulong ang seguridad ng bayan at ng bawat mamamayan. Ipanalo si Alejano!
Kilalanin si Gary, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/alejano.php
Katulad mo si Erin Tañada! Naniniwala kang karapatan ng bawat magsasaka, mangingisda, at manggagawang Pilipino ang magkaroon ng maayos at regular na trabaho, kumpletong benepisyo, at sapat at kumikitang kabuhayan na insured laban sa mga sakuna. Para sa ‘yo sila ang pundasyon ng bayan, at kailangan silang pangalagaan.
Pagtulungan nating isulong ang tamang trabaho at tamang sahod para sa mga magsasaka, mangingisda, at manggagawang Pilipino. Ipanalo si Tañada!
Kilalanin si Erin, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/tanada.php
Katulad mo si Pilo Hilbay! Naniniwala kang walang imposibleng pangarap kahit laki sa hirap, basta’t may lipunan na handang umalalay at maging tulay sa kaunlaran. Para sa ‘yo, mahalagang maalagaan ng gobyerno ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino – mula sa mga pabahay, tulong sa relokasyon, 4Ps, at pagpapadali ng requirements sa pag-apply sa trabaho.
Pagtulungan nating isulong ang tulong para sa mga mahihirap, para walang imposibleng pangarap. Ipanalo si Hilbay!
Kilalanin si Pilo, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/hilbay.php
Katulad mo si Samira Gutoc! Kinikilala mo ang mga karapatan ng kababaihan, kabataan, at lalong-lalo na ng mga naaapektuhan ng sakuna at giyera. Naniniwala kang ang makabuluhang pag-asenso ng anumang lipunan ay magsisimula sa kapayapaan, at sa pag-aruga nito sa mga dehado, etsapwera, at naghahanap ng masasandalan.
Pagtulungan nating isulong ang kapayapaan para sa bayan. Ipanalo si Gutoc!
Kilalanin si Sam, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/gutoc.php
Katulad mo si Mar Roxas! Naniniwala kang may iuunlad pa ang ating ekonomiya, at magsisimula ito sa pagsigurong mababa ang presyo ng mga bilihin at malaki ang buwanang suswelduhin. Para sa ‘yo, pinakamasaya sa bawat pamilya ang lumiit ang gastos at lumaki ang kita!
Pagtulungan nating isulong ang malagong ekonomiya at abot-kayang presyo. Ipanalo si Roxas!
Kilalanin si Mar, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/roxas.php
Katulad mo si Bam Aquino! Kinikilala mo ang papel ng edukasyon sa pagsigurong maayos ang ating kinabukasan, at naniniwala ka na kailangang may naghihintay na trabaho para sa bawat Pilipinong makakatapos ng pag-aaral.
Pagtulungan nating isulong ang edukasyon patungong trabaho. Ipanalo si Aquino!
Kilalanin si Bam, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/aquino.php
Katulad mo si Chel Diokno! Naniniwala kang dapat patas ang hudikatura para sa lahat, mayaman man o mahirap. Para sa ‘yo, mahalagang walang kinikilingan ang ating mga korte, dahil hindi dapat natutumbasan ng pera at impluwensya ang pagsasakatuparan ng hustisya.
Pagtulungan nating siguruhin na ‘pag may sala, may parusa – mayaman man o mahirap. Ipanalo si Diokno!
Kilalanin si Chel, mag-donate, o maging bahagi ng kanyang kampanya! www.otsodiretso.ph/diokno.php
Kopyahin ito bago i-share para mas astig ang post mo!
Ako ay bumoboto para sa Edukasyong Patungong Trabaho. Ako ay bumuboto para sa #OtsoDiretso