Pwedeng mag-text from 8AM to 5PM.
Ang mga mensahe na matatanggap pagkatapos ng 5PM ay sasagutin na sa susunod na araw.
Sa loob ng 10 linggo, 116,000 na kwento ang napakinggan ng Project Makinig – mga kwento ng pag-asa, pangamba, at hangarin sa buhay, na naging daan para matutuhan natin kung ano talaga ang mahalaga para sa ating bayan, at ano ang mga dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamunuan.
Narito ang ilan sa mga saloobin na naging angkla ng Otso Diretso sa maingat na pagbuo ng kanilang mga platapormang hangad matugunan ang tunay na mga pangangailangan ng bayan.
Garantisadong serbisyong pangkalusugan at pag-aalaga sa mga Senior Citizens at PWDs
Palawakin ang discounts at benepisyo ng mga Senior Citizens
Trabaho para sa mga nakatatandang gusto pang mag hanap buhay at sa PWDs.
Depensa ng teritoryo ng Pilipinas at West Philippine Sea at kabuhayan ng mangingisda
Seguridad ng kalikasan at komunidad na biktima ng poaching, iligal na pagmimina at pagtotroso
Depensa sa kalayaan ng pananalita.
Kita, sahod, kapakanan ng mangingisda, magsasaka, at manggagawa
Abot kamay na insurance sa sakuna, serbisyong pangkalusugan, at sapat na pension.
Minimum wage na sapat para sa desenteng pamumuhay.
Pagsasabatas ng Pantawid Pamilyang Pilipinong Program.
On-site, in-city na relokasyon at pabahay
Pagtanggal sa mga pabigat na requirement sa paghahanap ng trabaho
Dagdag pondo para sa mga mahihirap na lalawigan, siyudad at munisipyo
Siguraduhin ang malawak at at maayos na pag-enrol sa pang publikong serbisyo – SSS sa pension, Philhealth sa pangkalusugan, Pag Ibig sa pabahay
Makabuluhang kapayapaan at pag-aruga sa ating mga anak
Tulong sa mga biktima ng gera at kaguluhan, at mga nasalanta ng gera at kalamidad
Edukasyon ng kabataan
Bilang ekonomista:
Pagsulong at pag unlad ng bansang Pilipinas
Pautang at training sa mga maliliit na negosyong Pilipino
Mabilis, madali at walang kotong sa pagkuha ng mga permit para sa negosyo
Pagtanggal sa dagdag na buwis sa langis
Bawa’t graduate ng senior high school, tech voc at kolehiyo ay maitawid sa pagka trabaho
Suporta sa mga guro’t eskwelahan para sa kalidad na edukasyon
Ipaglaban ang prinsipyo na kung may sala, may parusa, mayaman man o mahirap
Pabilisin ang paglilitis ng mga kaso – dapat di lalampas sa isang taon
Palawakin ang arbitration para masakop ang mga kasong komersyal