Pwedeng mag-text from 8AM to 5PM.
Ang mga mensahe na matatanggap pagkatapos ng 5PM ay sasagutin na sa susunod na araw.
Ang Project Makinig ay isang nationwide, volunteer-driven door-to-door listening campaign kung saan nakipag-usap sa kapwa ang 9,800 volunteers natin mula Luzon, Visayas, at Mindanao noong Oktubre hanggang Disyembre ng 2018. Sa loob ng 10 linggo, 116,000 na kwento ang napakinggan – mga kwento ng pag-asa, pangamba, at hangarin sa buhay, na naging daan para matutuhan natin kung ano talaga ang mahalaga para sa ating bayan, at ano ang mga dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamunuan. Ngayon, ang mga kwentong ito ang angkla ng Otso Diretso sa maingat na pagbuo ng kanilang mga platapormang hangad matugunan ang tunay na mga pangangailangan ng bayan.
Kalinga sa mga Senior Citizen at may kapansanan
Seguridad ng bayan. Seguridad ng bawat mamamayan
Umani ng ginhawa sa tapat na gawa
Tulong pang mahirap. Para walang imposibleng pangarap.
Tahanang mapayapa, bayang mapayapa, para sa ating mga anak
Masayang parating: malagong ekonomiya at trabaho, abot-kayang presyo
Libreng kolehiyo: Kaya kahit kapos, makakatapos!
Pag may sala, may parusa – mayaman man o mahirap